-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magbibigay sa Pilipinas ng pagkakataon para maipakita ang yumayabong na demokrasiya nito bilang pinakamatagal ng democratic Republic sa Asya ang nalalapit na pagbisita sa bansa ni United Nations (UN) Special Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression Irene Khan.

Saad pa ng ahensiya na sa pamamagitan ng mga dayalogo at pagpupulong sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno, media, civil society organzaition at iba pang stakeholders, makikita ng UN special rapporteur ang transparency ng gobyerno at progresibong agenda hinggil sa pagrespeto at pagprotekta sa freedom of speech at pamamahayag.

Ayon sa DFA, si Khan ang ikatlong special rapporteur na bibisita sa bansa kasunod ng nauna ng pagbisita ng mga special rapporteur for the sale and exploitation of children Mama Fatima Singhateh noong November 2022 at special rapporteur for Climate Change and Human Rights Ian Fry noong November 2023.

Nakatakdang bumisita si Khan sa Enero 23 hanggang Pebrero 2 ng kasalukuyang taon, kung saan nakatakdang makipagkita rin si Khan sa Department of Justice officials para talakayin ang mga inisyatibo na nagpatibay sa mga pundasyon ng kalayaan ng pamamahayag, hustisya at rule of law sa bansa.