-- Advertisements --
Itinanggi ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil na ang kaniyang ginagawang pag-iikot sa mga PNP stations sa bansa ay para magkaroon ng ‘Loyalty check’.
Kasunod ito sa naging usapin na mayroong namumuong pag-aklas sa gobyerno na sangkot ang mga aktibo at retiradong kapulisan.
Sinabi ni Marbil na regular at normal inspection ang kaniyang ginagawang pag-iikot.
Bahagi aniya sa trabaho ng PNP chief na matiyak maayos ang bawat kapulisan sa bansa.
Una sinabi ng PNP na wala silang namomonitor na may ilang aktibo at retiradong pulis ang nagbabalak na magkaroon ng pag-aaklas laban sa gobyerno.