-- Advertisements --
abs cbn

Nanindigan si Solicitor General Jose Calida na ang pagbigay niya ng payo sa National Telecommunications (NTC) na ipasara ang ABS-CBN ay hindi pakikialam sa franchise issue ng Lopez-led broadcast company.

Pahayag ito ng Office of the Solicitor General (OSG) matapos na bawiin ni Speaker Alan Peter Cayetano ang provisional franchise bill na kanyang inihain upang bigyan daan ang pagtalakay naman sa 25-year franchise renewal application ng ABS-CBN.

Sa isang statement, sinabi ng OSG na ang hakbang na ito ay alinsunod sa posisyon ni Calida na ayon sa mga batas kailangan magkaroon muna ng prangkisa ang mga broadcast companies sa bansa para makapag-operate.

Muling binigyan diin ng OSG na tanging ang Kongreso lamang ang may eksklusibong kapangyarihan para maggawad ng prangkisa.

Wala naman aniyang dahilan para awayin ng Solicitor General ang Kongreso, bagkus ay suportado nito si Speaker Alan Peter Cayetano na kailangan muna na magkaroon ng impartial, fair at malalimang imbestigasyon o pagdinig hinggil sa iba’t ibang issue vs ABS-CBN.