Tuluyan ng pagbabawalan ng FIFA ang pagbebenta ng mga alak at ibang nakakalasing ng inumin sa walong stadium sa Qatar kung saan gaganapin ang mga laro ng World Cup.
Ayon sa FIFA na ang desisyon ay inilabas matapos ang ginawang pag-uusap ng kanilang board.
Paglilinaw nila na makakabili ng nakakalasing ng inumin sa FIFA Fan Festival at ilang mga fan destination at mga lisensyadong venues.
Nauna ng sinabi ng FIFA noong Setyembre na papayagan nilang makabili ng mga nakakalasing na inumin sa mga football fans na nakabili ng tickets para sa mga laro.
Layon ng hakbang na ito ay para magkaroon ng mapayapa at respetadong panonood ang mga fans sa bawat laro sa FIFA.
Kinondina naman ng Football Supporters’ Association (FSA) ang national representative body para sa football fans ng England at Wales ang desisyon na hindi pagbebenta ng nasabing nakakalasing na inumin.










