-- Advertisements --
Itinigil na ng Ticketmaster ang public sale ng concert tickets ni Taylor Swift.
Ayon sa nasabing kumpanya na dahil sa dami ng mga pumila at bumili online ay nakaranas sila ng mga glitches.
Hindi naman na nila binanggit kung kailan nila itutuloy ang pagbebenta ng nasabing concert tickets.
Nitong Nobyembre 15 lamang ay umabot na sa 2 milyon tickets ang naibenta sa serye ng mga concerts ni Swift na magsisimula sa Marso.
Nasa mahigit 3.5 milyon katao na rin ang nag-pre-registered bilang ‘verified fans’ at aabot na rin sa 1.5 milyon katao ang nabigyan ng presale codes para makabili ng tickets.
Hind naman maiwasan ng mga fans ng singer na maglabas ng kanilang galit dahil sa hindi sila nakabili ng nasabing ticket ng iniidolo nilang singer.