-- Advertisements --

Nanguna ang Australian team na Adelaide 36ers sa nagbigay ng suporta sa Filipino center na si Kai Sotto matapos na ianunsiyo nito na opisyal na siyang kabilang sa 2022 NBA Rookie Draft.

Sa social media post ng koponan ay buong puso aniya nilang suportado ang Filipino center.

Naglaro kasi ng isang season si Sotto sa 36ers sa loob ng 23 regular season games.

Mayroon itong average na 7.32 points, 4.32 rebounds at 0.68 blocks sa 15.2 minutes per game.

Mayroon pa sana itong isang taon na natitira sa kaniyang kontrata sa Adelaide pero mas pinili nitong sumali sa NBA Rookie Draft.

Sakaling mapili ay magiging ikalawang Adelaide player si Sotto matapos na mapili ng Oklahoma City Thunder point guard Josh Giddey.

Magugunitang inanunsiyo ni Sotto nitong araw ang pagpili sa kaniya ng NBA.

Matapos ang kaniyang anunsiyo ay bumuhos ang pagbati kay Sotto mula sa kaniyang mga Filipino fans at ibang mga atletang Pinoy.