-- Advertisements --

Nababahala si House Assistant Minority Leader France Castro sa delay sa pagbili at roll out ng ligtas at cost-effective na COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Castro na anumang delay sa procurement at roll out ng vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19 ay nangangahulugan lamang na matatagalan din ang pagbabalik ng mga estudyante at guro sa paaralan.

Iginiit ni Castro na hindi epektibo at nililimitahan ang access ng maraming mag-aaral sa kalidad na edukasyon sa ilalim ng umiiral na blended learning sa gitna ng pandemya.

Hindi na aniya kakayanin pa ng bansa na palawigin ng isa pang school year ang distance blended learning, lalong lalo na sa mga indigent o mahihirap na pamilya.

Ang kabiguan ng Duterte administration na makabili kaagad at makapagbigay ng ligtas at cost efficient na bakuna para sa mga Pilipino ay may kaakibat na epekto sa kalidad ng edukasyon sa bansa sa gitna ng pandemya.

Inuuna pa aniya ng pamahalaan sa ngayon ang pagtutulak ng Charter change at mga kuwestiyonableng kasunduan para sa bakuna kaysa tiyakin na makakakuha ang bansa ng spat at epektibong bakuna para masolusyunan ang pandemya at para makabalik na rin sa paaralan ang mga kabataan.