Matapos ang muling pag-angkat ng asukal ng pamahalaan, unti-unti nang nararamdaman sa mga merkado ang bahagyang pagbaba sa presyo nito.
Ayon kay Sugar Regulatory Administration Administraton Luis Azcona, mula sa 440,000MT na inangkat na asukal ng bansa, umabot na sa 223,000MT ang dumating sa Pilipinas.
160,000MT rito ay nauna nang na-reclassify at dinala sa mga local markets sa ibat ibang lokasyon.
Ayon kay Azcona na nakitaan na rin ng kaunting pagbaba sa presyo sa mga merkado habang parami ng parami ang volume ng asukal na dumarating sa bansa.
Sa katunayan aniya, simula Enero ng nakalipas na taon, nasa P60.00 na ang ibinaba ng farmgate price ng asukal sa bansa.
Maalalang Pebrero ng kasalukuyang taon nang inisyu ng DA ang Sugar Order no.6 na nag-otorisa sa pag-angkat ng 440,000MT ng refined sugar.