BUTUAN CITY – Naka-duty pa rin ang mga empleyado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Doppler Radar Station sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur kahit na naka-off pa rin sila ngayon dahil sa mga bitak na iniwan ng magnitude 6 na lindol na umabot hanggang 7th floor.
Ito ay matapos lumabas sa pagsusuri ng mga tauhan ng Municipal Engineer’s Office (MEO) na walang iniwang major damage ang lindol sa apat na mga foundations o vertical columns nito rason na ginamit pa rin nila itong work place.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni chief meteorological officer Allan Rebo, na kailangan lamang nila ang ibayong pag-iingat lalo na kung may makalas na aftershock o kaya’y may susunod pang malakas na lindol.