-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng COVID-19 cases sa Region 8 at Lanao matapos na umuwi ang ilang locally stranded individuals (LSIs), ayon kay COVID-19 National Task Force chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr.

Ayon kay Galvez, papalo sa 66 ang panibagong COVID-19 cases sa Region 8 habang 30 naman sa Lanao na pawang mga LSIs.

Nauna nang sinuspinde ng pamahalaan ang Balik Probinsya program para unahin muna ang pagpapauwi sa mga LSIs.

Ang mga LSIs ay nakakauwi sa kanilang probinsya sa pamamagitan ng Hatid Probinsya program ng pamahalaan.