-- Advertisements --

Welcome para kay Senador Sherwin Gatchalian ang muling pagkakatalaga ni Atty. Monalisa Dimalanta bilang Chairperson ng Energy Regulatory Commission.

Sa naging pahayag ni Gatchalian, sinabi nitong pabor siya sa pagbabalik na nagsuspideng opisyal.

Dagdag nito na malaking development ang naturang kautusan para sa sektor ng enerhiya sa bansa.

Aniya, nagpapahiwatig ito ng pagnanais na magkaroon ang Pilipinas ng isang maituturing na revitalized regulatory body.

Punto pa ng senador na hindi matatawaran ang ipinamalas na integredad ni Dimalanta.

Buo rin ang paniniwala ni Gatchalian na lalo pang paiigtingin ni Dimalanta ang mga desisyon upang mabalanse ang lahat ng interes ng mga stateholder sa energy industry.