Nakikita sa ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) bilang posibleng adjunct treatment ang lagundi at tawa-tawa.
Sa isang panayam, sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevarra na tapos na ang clinical trial na isinagawa sa lagundi, at base sa initial conclusion ng team ng mga eksperto ay nakitang maaring mabawasan ang sintomas ng mild COVID-19 cases.
Maging ang trial sa tawa-tawa ay nagkitaan din ng magandang resulta sa mga respondents na mayroong mild hanggang sa moderate cases.
Nilinaw naman ni Guevarra na ibinigay lamang bilang food supplement ang tawa-tawa bilang ito ay herbal supplement lamang habang herbal medicine naman ang lagundi.
Kabilang sa mga sintomas na nawala nang uminom ng tawa-tawa ay ang pagkakaroon ng lagnat, chills, pananakit ng katawan at ubo.