-- Advertisements --

Nagpasya ang liderato ng House of Representatives na kanselahin na muna ngayong araw ang pag convene sa Committee of the Whole na layong talakayin ang Resolution of Both Houses o RBH No. 7 o economic Charter Change o Cha-Cha.

Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Quimbo, sa isang pulong balitaan na sa Lunes February 26, 2024 magsisimula ang trabaho ng Committee of the Whole.

Giit ni Quimbo, mahalaga ang “inputs” ng mga resource person lalo na at ang pag-amyenda ng 1987 Constitution ang pinag-uusapan.

Naniniwala naman si Quimbo na sa Committee of the Whole, inaasahang mapapabilis ang pagtalakay sa RBH no. 7, dahil sa plenaryo na gagawin ang deliberasyon.

At sa sandaling maaprubahan ito, agad na pagbobotohan ito ng mga house members.