-- Advertisements --
Nagsisimula lamang ang pag-atake ng Israel sa Gaza bilang ganti sa paglusob ng mga Hamas militant sa Israel.
Sinabi ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu, na gagawin nila ang lahat ng makakaya para mabawi ang mga hostages.
Naniniwala ito na marami pa ring mga Palestenian gunmen ang nasa Israel kaya dinoble nila ang kanilang pagbabantay.
Aabot na sa mahigit 900 katao na ang nasawi sa Israel habang mahigit sa 500 naman ang nasawi ng gumanti ang Israel sa Gaza Strip ang kuta ng mga Hamas militants.