-- Advertisements --

Inirekominda ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. na idaan na lamang sa text messaging ang botohan para sa proposed supplemental budget para sa laban kontra COVID-19 sa idaraos na special session ng Kongreso sa gitna nang umiiral na enhanced community quarantine.

Naniniwala si Barzaga, vice chairman ng House Committee on health, sa gitna ng public health crisis ngayon ay maaring i-relax ang kanilang patakaran pagdating sa botohan sa mga mahahalagang panukalang batas.

“The interest of the nation is paramount. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? Papaano mo naman papupuntahin physically sa House of Representatives ang members na nasa mga probinsiyang malalayo, iyong nasa Bicol, Visayas, at Mindanao?” ani Barzaga.

Nauna nang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magkakaroon sila ng arrangment para sa mga kongresistang umuwi sa kani-kanilang distrito upang sa gayon ay makibahagi pa rin ang mga ito sa proseso mula sa deliberasyon hanggang sa botohan.