-- Advertisements --
image 329

Pinayagan na ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng frozen fish o isda para sa wet markets sa ikaapat na quarter ng 2023.

Inisyu ng DA ang memorandum circular para sa pag-aangkat ng 35,000 metrikong tonelada ng galunggong , bideye scad, mackerel, bonito at moonfish mula Oktubre 1 hanggang Disyembre 31 ngayong taon.

Ayon sa ahensiya ang naturang kautusan ay agad na magiging epektibo at patuloy na ipapatupad liban na lamang kung ito ay ipapawalang bisa.

Tanging papayagan na mag-angkat ang mga importer na nakapagrehistro sa Philippine Fisheries Development authority (PFDA) sa loob ng 7 working days mula ng inisyu ang kautusan.

Sa 35,000 MT maximum importable volume, nasa 80% ang inilaan para sa rehistradong importers na kabilang sa commercial fishing sector habang ang natitirang 20% ay mapupunta sa fisheries associations o mga kooperatiba.

Ang unang tranche ng import clearances ay iisyu mula Oktubre 1 hanggang 30 habang ang ikalawang tranche naman ay ilalabas mula Nobiyembre 6 hnaggang 30.

Lahat ng import clearance ay valid o may bisa sa loob ng 45 araw mula sa issuance at magpapaso pagkatapos ng Enero 15, 2024.