-- Advertisements --

Nanindigan si dating eight division boxing champion Manny Pacquiao na hindi ito nandaya sa panalo niya noon kay Nedal Hussein noong 2000 na ginanap sa Pilipinas.

Kasunod ito sa alegasyon ng retired-veteran referee Carlos Padilla.

Ayon kasi kay Padilla na pinatagal niya umano na bilangan si Pacquiao noong ito mapatumba ni Hussein sa ikaapat na round.

Bukod pa sa hindi pagtawag na headbutt ang ginawa ni Pacquiao at sinabing ito ay isang malinis na suntok lamang.

-- Advertisement --

Giit naman ni Pacquiao na hindi na niya ito problema at dahil sa homecourt ito ginanap ay malamang pinaburan siya.

Dagdag pa ng dating senador na ginawa lamang niya ang kaniyang trabaho sa loob ng boxing ring.

Nasa edad 21 pa lamang noon si Pacquiao ng talunin sa loob ng 10 rounds sa pamamgitan ng technical knockout si Hussein para sa WBC International super-bantamweight title na ginanap sa Ynares Sports Center noong Oktubre 14, 2000.