-- Advertisements --
Wala sa mga balak ni Sen. Manny Pacquiao na isabit na ang kanyang boxing gloves matapos manalo sa laban kontra dating undefeated American boxer Keith Thurman.
Ayon sa Pinoy ring icon, balak niyang umakyat muli sa itaas ng ring sa susunod na taon.
Sa post-fight interview nito, sinabi ni pacquiao na makakabuti na kung sa 2020 na isagawa ang kanyang susunod na laban dahil na rin sa kanyang schedule bilang isang senador.
Nagpahayag na rin ito ng kanyang pagnanais na dumalo sa nalalapit na welterweight title fight nina Errol Spence Jr. at Shawn Porter sa Setyembre.
Samantala, para naman kay Thurman, handa siyang makalaban muli si Pacquiao.