-- Advertisements --
Inamin ni eight division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao na sinimulan na niya ang body clock adjustment, para hindi na manibago sa oras ng pagtulog at paggising kapag lumipad na sila sa US.
Ayon pa sa fighting senator, binago na niya ang oras ng ensayo at pahinga, pati na ang ibang paghahanda.
Una nang sinabi ng team Pacquiao na nasa 80% nang handa ang Pinoy boxing icon sa laban kay Errol Spence.
Ayaw umano nilang mag-peak ng maaga si Pacman, dahil baka ma-burn out ito at mawala na ang lakas pagdating ng actual fight sa buwan ng Agosto.