-- Advertisements --

Pasok na ang Indiana Pacers sa Eastern Conference finals matapos ilampaso ang New York Knicks 130-109 sa Game 7.

Ito na ang muling pagpasok ng Pacers sa Eastern Conference Finals matapos ang 10 taon.

Bumida sa panalo ng Pacers si Tyrese Halburton na nagtala ng 26 points, apat na rebounds at anim na assists.

Mula sa simula ng laro ay umarangkada na agad ang Pacers at hindi na pinalamang pa at pinahiya ang Knicks sa sariling court nila sa Madison Square.

Dahil dito ay makakaharap ng Pacers ang Boston Celtics para sa Eastern Conference Finals.