-- Advertisements --

Hindi na umano dapat pang gumawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Presidential Anti-corruption Commission (PACC) kaugnay sa kontrobersyal na implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sapat na ang Ombudsman para magsagawa ng imbestigasyon sa kontrobersiya.

Ayon kay Sec. Panelo, ito naman ang constitutional body na may mandatong mag-imbestiga kaya dapat lang na itigil na nito ang pagsisiyasat laban sa mga sangkot na Bureau of Corrections (BuCor).

Una nang nanawagan si Ombudsman Samuel Martirez sa PACC na kung maaari ay huwag nang magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon sa pangambang magkaroon ng tinatawag na “conflicting result” sa kanilang ginagawa ng imbestigasyon.