Umaabot na sa P1.5 milyon ang pabuyang inilaan para maaresto ang pumaslang sa broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Una ng nag-alok ng P1-milyon na pabuya ang kaibigan nito na si Atty. Alex Lopez at sa pagbisita naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ay nag-alok ito ng kalahating milyon na pabuya.
Sinabi ng kalihim na sarili nito ang perang pabuya dahil sa naging kaibigan niya ang pinaslang na mamamahayag.
Sa pagbisita rin ni PNP-National Capital Region Police Office, PBGen. Jonnel Estomo na may mga lead na silang tinitiigna at lahat ay kanilang ginagawa para maresolba ang kaso.
Magugunitang pinaslang si Mabasa habang papauwi na sa kaniyang bahay sa lungsod ng Las Piñas nitong Lunes ng gabi.