-- Advertisements --

LAOAG CITY – Todo na raw ang paghahanda ng Buanga Elementary School sa bayan ng Pinili sa Ilocos Norte sa pilot limited face-to-face classes na magsisimula sa Nobyembre 15.

Ayon kay Mrs. Analyn Agbayani, School Principal I, inihahanda nila ang malinis na kapaligiran, silid na gagamitan, pagkakaroon ng facemask, alcohol at pag-disinfect.

Sinabi nito na sa kanilang paaralan ay apat na silid aralan ang gagamitan ng mga bata kung saan dalawa mula sa kinder garten, anim sa Grade 1, apat na Grade 2 at 13 ng Grade 3 pupil.

Inaayos na rin umano nila ang schedule ng mga bata na kasali sa pilot run ng limitadong face to face classes at ang pag-orient sa mga ito at meeting nila sa mga magulang.

Masaya at excited na rin umano ang mga bata at sa pagbabalik ng mga ito sa paaralan.