-- Advertisements --

Arestado ang tatlong high-value target sa ikinasang buy-bust operations ng Philippine National Police (PNP) at PDEA sa Cebu City at probinsiya ng Bohol kahapon bago mag tanghali.

Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga nahuling suspeks na sina: Vencent Mayol Suplac alias Dodong, 27-anyos, Giovanni Montecalvo Ambray alias Gio, 25-anyos at isang construction worker.

Nasabat sa tatlong suspeks ang nasa 1,025 gramo ng umano’y shabu na nagkaka ng P6,970,000.00.

Sa buy-bust operation naman na ikinasa ng Regional Police Drug Enforcement Unit, Maribojoc Municipal Police Station kasama ang PDEA, arestado ang 23-anyos na si Arnel Tubaon Rivera.

Nakumpiska sa kaniyang posisyon ang 110 grams ng shabu na may street value na P748,000.00.

” I would like to commend the men and women of PRO7 especially those who were involved in the successful operations,” wika ni Eleazar.

Binigyang-diin ni PNP Chief, sa pamamagitan ng kanilang Intensified Cleanliness Policy (ICP) program, ang kanilang kampanya laban sa illegal drugs ay lalo pa palalakasin upang masugpo at mapanagot sa batas ang lahat ng sangkot sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang kahaharapin ng mga suspek.