-- Advertisements --
image 264

Magpapamahagi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P6,000 na fuel subsidy para sa lahat ng mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers simula sa Agosto.

Ito ay para maibsan ang epekto ng malakihang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Ayon sa anunsiyo ng mga kompaniya ng langis, nasa P1.90 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina, P2.10 kada litro naman sa diesel at P1.80 kada litro sa kerosene.

Paliwanag ng Department of Energy (DOE) ang pagtaas sa presyo ng petroleum products ay dahil sa nakaambang pagbabawas ng oil supply ng Russia at mas mataas na demand sa pandaigdigang merkado.