-- Advertisements --

NAGA CITY – Tinatayang aabot sa P6.8 milyon ang halaga ng pinaniniwalaang iligal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa drug buy bust operation sa Naga City.

Kinilala ang suspek na si Jay Joseph Factor, 39-anyos na residente ng Barangay IV, Poblacion, sa Daet, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na nahuli ang suspek sa pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Camarines Sur at Naga City Police Office.

Narekober dito ang dalawang transparent plastic bag na may lamang isang kilong pinaniniwalaang iligal na droga at drug paraphernalia.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa karampatang disposisyon.