-- Advertisements --
Aabot sa P6.5 milyon na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa isang Nigerian national.
Isinagawa ang buy-bust operations sa Las Piñas City at kinilala ang suspek na si Kingsley Iwumune, 46-anyos.
Ayon sa PNP, nagkasundo ang suspek at mga kapulisan na magsagawa ng transaksyon sa Gatchalian Avenue at nag-alok ng kalahating kilo ng shabu.
Nagawa pang tumakas ang suspek subalit bumangga ito sa sasakyan ng PNP .
Nakuha sa suspek ang dalawang plastic na naglalaman ng droga na tumitimbang ng isang kilo.
Sa karagdagang imbestigasyon ng mga kapulisan na tatlong taon ng naninirahan ito bansa.
Nagsasagawa na ng karagdagang imbestigasyon ang mga kapulisan sa para matukoy pa ang posibleng kasamahan ng suspek.