-- Advertisements --
NAGA CITY – Inaalam na ng mga otoridad sa Quezon province ang pinagmulan ng P5-milyong halaga ng pinaghihinalaang cocaine na na-recover sa bayan ng Jomalig.
Batay sa ulat ng Quezon Provincial Police Office, isang Jose Mercado ang nag-turn over sa lokal na pamahalaan matapos makakita ng kahina-hinalang package sa baybayin ng Brgy. Apad.
Agad din naman idinulog ng local government unit sa pulisya ang package kung saan nakita ang isang bloke ng pinaniniwalaang cocaine.
Nasa crime laboratory na ng provincial police ang package para sa examination.