Ihahabol ng mga mambabatas mamayang hapon na maratipikahan ang 2022 proposed P5.024-trillion national budget para sa 2022.
Ito ay matapos na maaprubahan nila ngayong umaga ang Bicameral Committee Report hinggil sa panukalang pondo sa susunod na taon.
Sina Senate Committee on Finance chairman Sonny Angara at House Committee on Appropriations chairman Eric Go Yap ang siyang nanguna sa Bicameral Conference Committee meeting kaninang umaga na ginanap sa EDSA Shangri-La.
Binusisi nila at inayos ang mga magkakaibang probisyon ng bersyon ng Senado at Kamara ng 2022 General Appropriations Bills sa pulong ng Bicameral Conference Committee.
Kapag maratipikahan na ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso, agad namang iaakyat sa Office of the Presidente ang General Appropriations Bill para ito ay kanyang malagdaan.