Nasa mahigit Php40.9 billion na halaga na ang naipamahagi ng Deparment of Social Welfare and Development para sa nasa 6.5 million na mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program ng ahensya noong nakaraang taong 2023.
Batay sa tala ng DSWD, noong 2023 mayroong 6,587,667 na mga benepisyaryo ang napamahagian ng pondong may kabuuang halaga na Php40,944,126,537.24.
Ayon sa kagawaran, ito ay sumasalamin sa 98.5% na utilization ng pondong nagkakahalaga sa Php41.5 million.
Kung maaalala, ang Assistance to Individuals in Crisis Situation program ay isang regular program ng DSWD na nagbibigay ng medical, burial, transportation, education, food, at iba pang support service para sa mga pilipinong nakakaranas krisis, aksidente, at matinding kahirapan.