-- Advertisements --
Aabot sa 11,000 puno ng marijuana na nagkakahalaga sa P4.5 milyon ang binunot sa isinagawang anti-drug operation ng pinagsanib-pwersa ng Provincial Intelligence Unit ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) at ng Philippine Drug Enforcement Agency 7 sa Barangay Kaluangan, bayan ng Asturias kaninang umaga, Pebrero 24.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang CPPO hinggil sa plantasyon ng marijuana sa bulubunduking bahagi ng nabanggit na lugar na tinatayang may sukat na 800 square meter.
Samantala, hindi na naabutan at walang nahuli sa nasabing operasyon ngunit kinilala ang nagtanim nito Jay-R Camaogay at naninirahan sa nasabing lugar.
Inihahanda na laban kay Camaogay ang kasong paglabag sa Section 16, Article 2, ng Republic Act 9165.