CEBU CITY- Handa na ang financial assistance mula sa national government para sa local government units (LGU’s) ng lalawigan ng Cebu.
Ito ang pahayag ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia saan may in-allocate na P373-M cash aid para sa 7 component cities at 44 municipalities kaugnay na rin sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine sa probinsya.
Ang naturang pondo ang ipapamahagi depende sa populasyon at income nga isang LGU—kung ito’y may maliit lamang na income mas, malaki ang budget ang ibibigay habang kung malaki naman ang income ng isang LGU, maliit lang din na financial aid ang ibibigay para sa mga basic needs o pangunahing bilihin gaya ng cooking oil, instant noodles, delata, detergent, bleaching powder at iba pa.
Binalaan din ng gobernadora na ang presyo ng mga pangunahing bilihin ang hindi papatawan ng mataas na presyo dahil alam na umano ito ng DTI.
Utos ng gobernadora na ipapamahagi ito sa bawat bahay kung saan priority ang mga mahihirap, nawalan ng trabaho, mga senior citizen at maging ang mga PUM.