-- Advertisements --

Kakailanganin ng P30 billion hanggang P40 billion ng incoming administration para matugunan ang kakulangan sa suplay ng bigas sa second half ng taon dahil sa tumataas na presyo ng fertilizer ayon sa isang opisyal ng Department of Agriculture.

Sinabi ni DA Undersecretary Fermin Adriano ito ay bilang warning sa susunod na adminsitrasyin dahil hindi aniya alam kung sasapat ba ang suplay ng bigas sa secon half ng kasalukuyang taon kung saan posibleng magkaroon ng problema kapag hindi aniya mabigyan ng ayuda ang mga magsasaka sa para sa kanilang kailangang pataba.

Posible dina niya na magakroon ng contraction ng 1.1 million metric tons sa palay o sa paddy rice output.

Sinabi din ng DA official na isinusulong ng kagawaran ang produksiyon ng mas maraming binhi na ibigay ng libre para sa mga magsasaka.

Iginiit din nito na ang suplay ng pagkain sa mahihirap na bansa ang mas mahihirapan bunsod ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

nauna ng nagbabala si DA secretary William Dar sa banta ng food crisis dala ng mataas na presyo sa farm inputs sa ikalawang semester ng kasalukyang taon na napalala ng COVID19 pandemic sa ekonomiys ng bansa, pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ang giyera sa Ukraine.