-- Advertisements --
Arestado ang tatlong suspek na pawang residente ng Cavite, makaraang mahulihan ng kalahating kilo ng shabu sa service road area, Pasay City.
Sa pagtaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), may street value itong aabot sa P3.4 million.
Ayon kay PDEA Agent Christopher Basilio, nasubaybayan na nila ang galaw ng mga suspek, kaya hindi na nakawala ang mga ito nang kanilang hulihin.
Nakalagay sa isang plastic bag ang droga na may mga nakasulat na Chinese characters, na masabat ito ng PDEA team.
Hindi muna inilabas ng mga otoridad ang eksaktong mga pangalan ng tatlong suspek, para hindi mabulilyaso ang kanilang iba pang operasyon.










