Idineklara ng political party ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) na nasa P272 million ang nagastos nito sa kampaniya noong May 2022 elections.
Ayon kay Atty. George Briones, ang general counsel ng partido na ang halagang ito na nagastos sa nakalipas na presidential campaign ay mababa sa maximum expenditure na P337 million na pinapayagan sa ilalim ng batas para sa national political party.
Nilagdaan ang 400 pahina ng SOCE na inihain sa Commission on Elections ni PFP national treasurer Anton Lagdameo na napili naman ni Marcos na maging Special Assistant to the President (SAP) sa ilalim ng kaniyang papasok na administrasyon.
Nilinaw naman ni Atty. Rico Alday na ang naturang halaga ay ang nagastos lamang ng political party kung saan ang malaking halaga nito ay inilaan para sa television advertisements.
Inilaan din ng partido ang malaking halaga mula sa P72 million para sa rally expenses.