-- Advertisements --
bigas

Biigyang diin ng Department of Agriculture (DA) na ang pagbaba ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo ay depende sa merkado kahit na maabot ng bansa ang target na 95% rice sufficiency.

Ginawa ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian ang pahayag sa pagtatanong ni House Deputy Minority Leader Mujiv Hataman ng Basilan kung posible ang P20 kada kilo o presyo ng bigas kung maabot ng DA ang layunin nitong 95 hanggang 97% na self-sufficiency.

Aniya, kung mapapabuti ang value chain, mabawasan ang cost ng post-harvest cost, at mabawasan ang cost of production, maaatring ma-maintain ang mababang presyo ng bigas para sa consumers.

Ipinaliwanag ni Sebastian na ang post-harvest production cost ay ang presyo ng bawat kilo ng palay.

Dagdag pa ng opisyal na dapat hindi lang isinasaalang-alang ang availability ng produkto, kundi aniya ay dapat affordable din.

Dagdag dito, sinabi din ni Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla na manipis ang buffer stock ng bigas para sa buwang ito kaya kailangan ng imported na bigas sa Setyembre 15.

Sa ngayon, ang presyo kasi ng bigas sa iba’t-ibang pamilihan sa buong bansa ay umaabot sa P40-P60 kada kilo.