-- Advertisements --

Pinangunahan ni Vice Pres. Leni Robredo ang pamamahagi ng P2-milyong ayuda para sa mga magsasaka ng bayan ng Magarao, Camarines Sur.

Nitong araw nang i-turn over ni Robredo ang pondo sa mga magsasaka mula sa “Angat Buhay” program ng Office of the Vice President (OVP).

Kabilang ang agrikultura sa mga sektor na tinututukan ng naturang programa.

Bukod sa bayan ng Magarao, makikinabang din sa ibinahaging pondo ang mga magsasaka mula sa mga bayan ng Pili at Libmanan.

Batay sa record ng OVP, nasa P95-milyong halaga ng proyekto ang kanilang napondohan at naibahagi sa halos 150 lugar sa bansa na itinuturing na liblib at nasa laylayan.