-- Advertisements --
pdea3

Nakatakdang sampahan ng kaso ang limang drug suspect na naaresto matapos salakayin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Barangay Barrio, Caloocan City.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga suspek na sina Bobby Aguilar na siyang main target ng operasyon; Joseph Badoria, Menard Ranjo, Jason Martinez, at Mark Joel Evangelista.

pdea1 1

Nakuha sa kanilang posisyon ang iba’t ibang uri ng drug paraphernalia, at 18 sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

pdea2

Samantala, nadakip din ang isa pang drug suspect at nasabat ang nasa P122,000 halaga ng iligal na droga sa ikinasang search warrant operation ng mga tauhan ng PDEA sa nasabing barangay din.

Nakilala ang drug suspek na si Aloysious Jacinto, na kasalukuyang nakakulong sa PDEA detention facility.

Nakumpiska sa kaniyang posisyon ang nasa mahigit na 18 grams na hinihinalaang shabu.