Hindi tinanggal ng bicameral conference committee na tumalakay sa P4.5-trillion proposed 2021 national budget ang kontrobersyal na P19-billion budget para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon ito kina Senate Committee on Finance chair Sonny Angara at House Committee on Appropriations chair Eric Yap, na kapwa nanguna sa bicameral panel na siyang umayos naman sa pagkakaiba sa bersyon ng Senado at Kamara nang General Appropriations Bill.
Sa kabilang dako, patuloy namang umaapela ang Makabayan Bloc sa Kamara na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC, dahil kinukonsidera nila ang pondo para rito bilang “general’s pork.”
Nauna nang sumulat kay Speaker Lord Allan Velasco ang Makabayan Bloc na ilipat na lang ang pondo ng NTF-ELCAC at ng intelligent activities ng Office of the President, AFP Modernization Program, at ng PhilHealth, para sa kalusugan, edukasyon, at job creation para sa susunod na taon.