Aabot ng P180 billion ang nawala sa kita ng pamahalaan dahil sa dalawang linggo na enhanced community quarantine sa Greater Manila Area, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang figure na ito ay katumbas ng nasa 1 percent ng P18 trillion gross domestic product ng bansa.
Mababatid na sa kasagsagan ng dalawang-linggo na ECQ ay nagbawas ng operasyon ang mga establisiyemento, at tanging ang mga maikokonsidera bilang essential tulad ng health facilities, delivery services, at agriculture sector lang ang nakapag fully operate.
Pero sa pagluwag ng community quarantine sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna patungong modified ECQ, mas marami pang mga establisiyemento ang pinayagan na makapagbukas na ulit at makapag-operate sa mas mataas na kapasidad.










