
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa mahigit 30,000 sako ng misdeclared refined sugar sa may Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City, Zambales.
Ayon sa BOC ang nagkakahalaga ito ng P150 million na nasabat noong Marso 2.
Kasunod ng impormasyong natanggap mula sa Department of Agriculture kaugnay sa nasabing shipments, nag-isyu si Port of Subic District Collector Maritess Martin ng Pre-Lodgement Control Orders at Alert Orders.
Una rito, nagsagawa ng inspeksiyon sa 58 containers na nagresukta sa pagkakadiskubre sa 30,000 sako ng mga asukal.
Kaugnay nito, inisyuhan ng BOC ng warrant of seizure and detention (WSD) ang mga nasa likod ng shipment ng misdeclared sugar dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at Sugar Regulatory Authority at BOC Joint Memorandum Order No. 04-2002.










