-- Advertisements --

Da 2

Pumalo na sa P14.6 million ang halaga ng pinsalang naidulot ng flashfloods bunsod ng habagat sa Ifugao.

Batay sa ulat ng Department of Agriculture (DA), tinatayang nasa 728 metric tons ng pananim at nasa 198 heactares ng agricultural areas ang nasira dulot ng habagat kung saan ang pinaka-apektado dito ay ang sakahan ng palay at mga high value crops kung saan 684 na mga magsasaka ang apektado.

Dahil dito, ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng kanilang Regional Field Office ay kasalukuyang nagsasagawa na ngayon ng damage assessment.

Patuloy din na nakikipag-ugnayan ang DA sa mga concerned NGAs, LGUs at sa iba pang DRRM-related offices dahil sa epekto ng “Habagat.”

Siniguro din ng ahensiya na mabibigyan ng kaukulang tulong ang mga apektadong magsasaka gaya ng semilya o mga buto ng palay, mais at iba pang assorted vegetable seeds; Drugs and biologics para sa livestock and poultry; Survival and Recovery (SURE) Program of Agricultural Credit Policy Council (ACPC); tulong pinansiyal mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitation ng mga apektadong lugar.