-- Advertisements --

enverga

Nakatakdang makatanggap ng tulong ang mga rice farmers mula sa gobyerno bilang tulong sa mga ito na sinalanta ng kalamidad gaya ng bagyo.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Under Secretary Leocadio Sebastian.

Ayon kay Sebastian nasa P12 billion ang rice financial assistance ang kanilang ibibigay sa mga magsasaka at hinihintay na lamang nila ang approval mula kay Pang. Ferdinand Marcos para kanila ng simulan ang pamamahagi ang tulong sa mga magsasaka.

Inihayag ni Sebastian na may mga hakbang na rin silang ginagawa para mapabuti ang produksiyon ng bigas sa bansa at para hindi na aasa pa sa pag-angkat.

Layon ng Marcos administration na magkaroon ng rice suffiency ang bansa kaya dapat matulungan ang mga magsasaka at maitaas ang kanilang kita.

Ngayong araw kasi nagsagawa ng pagdinig ang House Committee on Agriculture and Food sa pangunguna ni Rep.Mark Enverga.

Sa nasabing pagdinig binigyan ng briefing ng Department of Agriculture ang mga mambabatas hinggil sa sitwasyon ng rice production and supply sa bansa.

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na may pagtaas ng presyo ng bigas, ito ay dahil tumaas din ang presyo sa farmgate.

Una ng inihayag ng ahensiya na inaprubahan na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang pag-angkat ng bigas.