GENERAL SANTOS CITY – Kumpiyansa ang pulisya sa Sarangani na makakatulong ang P1-milyong pabuya na alok sa makakapagturo sa suspek na pumatay kay Yentes Quintoy, executive secretary ng Brigada Group.
Ayon kay Police Capt. Abdul Sallam Mamalinta, hepe ng San Isidro Police Station, personal na galit ang isa sa tinitingnan nilang motibo sa pagpaslang sa biktima.
Batay sa ulat, nagtamo ng tama sa kanyang balikat si Quintoy matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa lungsod ng San Isidro. Bagamat naisugod pa ito sa ospital, idineklera naman siyang dead on arrival.
Naglaan ng P1-milyong reward money ang chief executive officer ng kompanya na si Elmer Catulpos. Inihayag din nito sa polisiya ang pagkakakilanlan at trabaho ng biktima.
Ang pagkamatay ni Quintos ang ikatlong kaso ng riding in tandem shooting sa naturang lungsod mula nang pumasok ang buwan ng Hunyo. -CJY