-- Advertisements --

Aabot sa higit P1-milyong halaga ng pinaghihinalaang ecstasy pills ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang buy bust operation sa Quezon CIty.

Arestado ang target ng operasyon na kinilalang si Arnold Emmanuel.

Halos 500 pinaghihinalaang tablet ng ecstasy ang nakuha ng PDEA mula sa salarin nang madakip ito sa isang mall sa Brgy. Bagumbayan.

Sa ngayon sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Emmanuel.