-- Advertisements --
Aabot sa P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang drug supplier sa Quiapo, Maynila.
Sinabi ni Capt. Kerwin Evangelista ng Santa Cruz police, ilang linggo nilang minanmanan ang 23-anyos na suspek.
Nakuha sa kaniya ang ang may 200 gramo na hinihinalang shabu.
Malaki rin ang paniwala ng mga kapulisan na hindi lamang sa Metro Manila nagsusuplay ng droga ang naarestong suspek.