-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 19 10 18 21 58

Nasabat ng Bureau of Customs (BoC) ang halos isang kilong marijuana sa Port of Clark sa Pampanga.

Ayon sa BoC, kabuuang 966 grams ang timbang ng naturang kontrabando na nagkakahalaga ng P1.1 million.

Ang marijuana ay nakasilid sa dalawang transparent na plastic.

Idineklara ang mga ito biang “art work fine” mula sa California, USA.

Noong Marso 30, nasabat din ng BoC-Port of Clark ang mahigit 12 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P13.2 million.