Tinulungan na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ina ng apat na batang pinatay ng kaniyang live-in partner sa Barangay Cabuco, Trece Martires, Cavite.
Ayon sa OWWA, na manggagaling sa Saudi Arabia ang ina ng mga biktima na uuwi sa Sabado, Marso 11.
Magugunitang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay ang mga biktimang kinilalang sina Maria, 14-anyos, Bianca, 10-anyos, Joy, 8 at Conrad, 6 matapos na sila ay pagsasaksakin ng amahin nila na si Felimon Galisangga Escalona, 38-anyos at tricycle driver.
Nakita rin ang suspek na sinaksak ang sarili kung saan itinakbo siya sa pagamutan subalit namatay din matapos ang ilang oras.
Sinabi ni Trece Martires City chief of police Lt. Col. Jonatahn Aznan na nakatanggap sila ng tawag mula sa barangay officials dakong 12:35 pm matapos na makarinig ng komosyon sa loob ng bahay ng mga biktima.
Nakasarado pa ang bahay ng dumating ang mga kapulisan kaya napilitan silang sirain ito at ng mabuksan ay doon lumantad ang bangkay ng mga biktima.
Ayon sa mga mga kapitbahay na nakarinig sila ng sigawan at iyakan bago ang insidente kung saan itinuturong motibo umano ng PNP ay ang matinding selos ng suspek na pinaghihinalaan umano ang ina ng mga bata na mayroon itong kalaguyo sa habang nasa ibang bansa.