Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration ang kaligtasan ng ilang mga Filipino government officials na na-stranded sa Israel matapos ang kaguluhan na umusbong sa pagitan ng Israel at Iran.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration , mayroong 17 official ang kasalukuyang nasa ligtas na lugar sa Israel.
Ito ay binubuo ng siyam na alkalde, apat na bise alkalde, dalawang party-list representatives at dalawang regional directors .
Nabatid na lumahok ang mga ito sa isang short course sa Israel at nakatakda na sanang bumalik ng Pilipinas noong nakalipas na linggo.
Sa isang pahayag ay sinabi ni OWWA Administrator Patricia Caunan, ang DFA katuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga stranded na Filipino official sa naturang bansa.
Umaasa ang opisyal na sa mga susunod na araw ay makakabalik na ito sa Pilipinas.