-- Advertisements --

Itinuturing na welcome development ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Leo Cacdac ang pagpapaiksi sa quarantine period ng mga inbound OFWs.

Sa hakbang na ito ay mababawasan ang gastos ng mga inbound OFWs pati na rin ng OWWA Mismo.

Mapapabilis din aniya nito ang pagkikita ng mga OFWs sa kanilang mga kaanak.

Sa ngayon, mayroong 9,800 OFWs na nasa mga isolation facilities, ayon kay Cacdac.

Kamakailan lang, pinayagan na ng pamahalaan na sumailalim sa facility-based quarantine ang mga fully-vaccinated nang biyahero mula sa mga “green” o “yellow” countries.

Mananatili sila sa mga facility-based quarnatine hanggang sa makuha nila ang kanilang negative COVID-19 swab test.

Sa ngayon, 9,800 pang OFWs ang nananatili sa mga isolation facilities.